Miyerkules, Marso 7, 2012

"Salamat Aking Ina"


Salamat Aking  Ina


I
Aking Ina ,nugugunita ko
Ang mga panahong ika’y kapiling ko
Pagkat dahil sa iyo lumakas ang loob ko
Patuloy na salungain masalimuot na mundo


II
Salamat sa pangaral at iyong pagkalinga
Sa mga payo mo’t pag aaruga
Tinuruan mong lumaking masunuring bata
Magalang  sumagot sa nakakatanda
III
Ilan taon na ring ako’y malayo ina
Kahit na mahirap ay pinilitin kong makaya
 At kahit na minsa’y di mapigil yaring luha
At nababalisa pagkat nais kanang makasama


IV
Pasens'ya na aking Ina kung ako’y
                Nag-aaral na’t
Tumigil sa trabaho’t sa inyo’y di
                Nagpadala
Apat na taon lang  po naman itong
                Kursong kinukuha
Di  mamamalaya’t makatatapos


V
Ikaw itong inspirasyon upang matulad
Yaring layon
 Magsisipag na mag–aral kahit na
                Walang baon
Upang pagkatapos ng apat na taon
Akoy maipagmalaki nyo’t sa hirap
                Makaahon


VI
Salamat, salamat sa’yo aking ina
Sa pagmamahal mong di pinagkait madama
Kaya naman hiling ko sa maykapal na lumikha
Ikaw ang ibigay Niyang mana, kasama ko sa tuwina.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento